top of page

Taong 1910 ng itayo ang kapilya .Ito ang lumang kapilya ng Orani IEMELIF Church  na pinabayaan ng maraming taon . Ito ay pinagamit sa ibang sekta ng relihiyon ngunit  hindi inalagaan.Ginamit nila ang kapilya para maging paaralan ng mga batang Nursery at Kinder. Pinagkakitaan ng marami sa sariling kapakinabangan. Ginamit rin ito ng taong ini-akalang aalagaan ang kapilya ngunit ginawang  kulungan ng baboy  ang loob nito. Marahil ito na ang pinakasukdulang paglapastangan  sa karangalan at kabanalan ng kapilya.

 

 

Taong 2012 - Ang Carbonero IEMELIF ay nag-umpisa  kina  Pred. Eduardo Q. Roman  at Kptd. Nabor Delos Santos. Nasaksihan  nila  ang kalunos-lunos na kalagayan ng  kapilya  , na pinaghirapang itayo ng mga kapatiran. Nakita nila na maraming bote ng alak sa gilid ng kapilya na tila ginamit itong umpukan ng mga manginginom. Marami ring upos  na sigarilyo at nagkalat na basura sa kapaligiran. Ang Casa Pastoral na dating bahay ng mga  manggagawa at sentro ng pag-aaral  ng Salita ng Diyos  ay naging tapunan  ng  basura at  tila ba guguho sa kalumaan dahil sa kapabayaan. 

             Dahil dito, gumawa ng hakbang  sina Pred. Eduardo Q. Roman  at Nabor Delos Santos at kinausap nila sina Kptd. Lorna Loyola, Kptd. Imelda Ramos, Kptd. Edna Roman, Kptd. Teresita Roman at Ex-Vice-Gov. Serafin Roman patungkol dito. Agad-agad  nagpatawag ng pulong  upang tugunan ang suliranin. Maraming beses na pinanalangin  at pinag-usapan ang suliranin. Nag-umpisang sumuporta sina Pred. Exequiel Roman , Ronald Roman at pamilya, Dr. Carina Roman at Pamilya, Kptd. Edel Roman at Pamilya, ang buong pamilya ni  Pred. Lorna Loyola, Kptd. Joy Eugenio, Kptd. Danilo at Nelita Manganti at Pamilya, Kptd. Em Roman at Pamilya. Ipinagbigay alam nila ito sa  district superintendente, DS  Josef Calara; kay Pred. Roberto Valenzuela, na kasalukuyang  pangulo ng official Board  ng Orani.  Nagkaroon  ng pulong kina Pred. Serafin Roman  at Tes Roman  at bumuo ng adhoc officers upang magkaroon na ng sagot sa suliranin...

Our History and Story

Kababaihan
Kabataan 1983
Sunday Schoolers
Sunday Schoolers and Teachers

Iglesia Evangelica Methodista En Las Islas Filipinas, District II-West
Carbonero IEMELIF Church Official Website
© 2013-2017

  • Facebook Social Icon
  • YouTube Social  Icon
bottom of page